Lindsay Lohan, darating sa bansa para sa endorsement


Kasunod ng mga bituin ng “Bourne Legacy,” eeksena pa ang maraming foreign artists dito sa Manila. Isa na ang kontrobersyal Hollywood star na si Lindsay Lohan para sa isang clothing company.

"Hi, Philippines. This is Lindsay Lohan, and I really hope you ask me to come visit you soon," sabi ni Lindsay.

Posibleng makasama din niya ang iba pang bituin ng “Pinoy Big Brother” na si Ivan Dorschner na kamakailan lang ay hinalikan ni Katy Perry.

Nagbalik naman si Carmen Soo para sa isang Malaysian fashion-tourism show.

Ani Carmen, "Hopefully I'll come back again soon."

Sorpresa din ang bisita dito ng mga bituin ng “The Kitchen Musical” na sina Stephen Rahman Hughes at Carla Dunareanu.

Ibinunyag na rin ng Romanian-Chinese na si Carla na siya ang kasintahan ni Christian Bautista.

"She's very caring, supportive, loving. Kahit malayo, she inspires me everyday to be a better person," sabi ni Christian. "My heart feels very, very happy."

“[My heart] is still beating, a lot stronger now,” sabi ni Carla.

Patuloy naman ang pamamayagpag ng mga stand-up comedians at impersonators sa live shows.

Sabak naman sa rehearsals sina Chocoleit, Pooh, Kay Brosas at Pokwang sa big show nilang “Four the Best.”

Nakahinga na nang maluwag sina Pokwang sa pahayag ni Annabelle Rama na hindi ni siya magde-demanda sa grupo dahil sa kanyang panggagaya.

“Malakas ang show niya 'pag ako ang ginagaya niya, 'no," sabi ni Annabelle. "At least sikat ako, 'day, 'no?"

"Nagpapasalamat ako, siyempre hindi ba malaki ang tulong ni Tita Annabelle sa 'kin, sa kung ano ako ngayon,” sabi ni Pokwang.

Pero tiyak na nanakawan ng eksena si Pokwang ni Kay sa kuwelang panggagaya niya kay Anne Curtis sa “No Other Woman.” Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino

03/01/2012 11:00 PM