Lady Gaga balik-Pinas sa May 21

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Nagbigay-sigla ang 80s pop star na si Cyndi Lauper sa kanyang Japanese fans kasabay sa unang anibersaryo ng lindol doon.

Nag-abot siya ng tulong sa mga apektado ng trahedya at nag-concert sa Tohoku region.

Hiling ni Lauper ang tuluy-tuloy na pagsuporta ng international community sa pagbangon ng Japan mula sa trahedya.

Matapos ang Osaka at Nagoya performances ni Lauper, susunod naman ang concert niya sa Pilipinas sa Sabado.

“Hi! I’m Cyndi Lauper... It’s a lot fun down here in the Philippines. I’m coming down right away. Be there or be square,” sabi ni Cyndi.

Aabangan naman ang pagbalik sa Pilipinas ng kontrobersyal na pop star na si Lady Gaga na magpe-perform sa Pinoy fans sa May 21.

Puno naman ng kulitan at tawanan ang mag-aamang Brian McKnight, Brian Jr. at Niko nang humarap sa press kanina ilang araw bago ang “Back to Brian McKnight” concert sa Araneta Coliseum.

Si McKnight ang hitmaker na nagpasikat ng R&B hits na “Back at One” at “One Last Cry.”

Tila homecoming ang turing ni Brian sa kanyang pagbalik bansa dahil napalapit na siya sa mga Pinoy lalo na ang mga kaibigan sa local music industry.

“Martin (Nievera) is actually my favorite. We became brothers. He is my Filipino brother and I am his black brother. We’ve remained really, really close friends for over 10 years now,” sabi ni Brian.

Unang pagkakataon na magsasama sa entablado si Brian at kanyang mga anak -- sina Brian Jr. at Niko -- ang boses sa likod ng hit single na “Marry Your Daughter.” Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino

03/14/2012 9:56 PM