Cristine biglang nagbakasyon matapos kasuhan ni Ara

Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Beach volleyball, swimming o walking by the beach.

Cool na cool nga under the sun ang maraming bakasyonista at artista sa Boracay nitong weekend.

Holding hands sa beach ang showbiz couple na sina Matteo Guidicelli at Maja Salvador kasama ang kaibigang si Ina Feleo.

Pampamilyang bonding naman ang island paradise kina Sheree at Gian Magdangal.

Sa kabila ng kasiyahan ng summer activities dito sa Boracay, tahimik at pahinga naman mula sa mundo ng showbiz ang hinanap ni Cristine Reyes na todo-iwas sa pagsagot sa isyung alitan nilang ng kapatid na si Ara Mina.

Biglaan daw ang bakasyong ito para kay Cristine na kasama ang malalapit na kaibigan.

Ito'y ilang araw matapos siyang kasuhan ng libel at pananakot ni Ara Mina.

Nag-ugat ang isyu sa diumano’y utang ni Ara kay Cristine.

“Basta have fun lang and like what they say, you only live once so live it to the fullest,” sabi ni Cristine.

Tinawanan naman ni Cristine ang spekulasyong may problema sila ng boyfriend na si Rayver Cruz lalo't hindi niya kasama ang aktor sa bakasyon .

“Super okay kami ni Ray. Ang daming nagtatanung kasi wala siya rito. Eh kasi trip namin ito ng mga friends ko,” sabi ni Cristine.

Pero nasasabik na siyang makita si Rayver at matanggap ang mga regalo nito mula sa Star Magic tour sa U.S.

“Mga belts at mga food, mga trail mix ganoon,” sabi ni Cristine.

Sa kabila ng kontrobersya, tutok si Cristine sa trabaho.

Inspirasyon niya ang latest award bilang box office queen para sa “No Other Woman.”

“So far iyon ang parang biggest achievement ko this year so I'm very very thankful kay God,” sabi ni Cristine.

Abala rin si Cristine sa hit primetime serye na “Dahil sa Pag-ibig.” Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino

04/23/2012 10:29 PM