Pa-seksihan sa Miss Bikini Philippines 2012


Pinaseksi rin ng 101.9 Tambayan radio station ang summer sa idinaos nilang bikini open ngayong weekend tampok ang napili nilang 10 finalists.

Pambihira rin ang pagharap ng mga deejays ng istasyon na sina Jazmin at Chacha sa dinagsang okasyon sa Amana Pandi, Bulacan.

Nadulas ang isang kandidata sa pagrampa sa stage, pero tuloy pa rin ang show na naglalayong ilapit pa sa masa ang paboritong radio station.

Kasunod ni Binibining Pilipinas 2012 Universe at International na sina Janine Tugonon at Nicole Schmitz, isa pang beauty pageant repeater ang tinanghal na winner ng Miss Bikini Philippines 2012.

Tinalo ng dating Mutya ng Pilipinas contestant Abbygale Monderin ang 23 candidates sa patimpalak.

Lalaban si Monderin sa Miss Bikini International pageant sa China, na mapapanood sa Studio 23 sa May 17. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino

04/30/2012 10:28 PM