Nora gaganap na Badjao midwife sa 'Thy Womb'


Mula sa 11 araw na shooting sa Tawi-Tawi, bitbit ng award-winning director na si Brillante Mendoza ang kuwento at karanasan sa paggawa ng indie film na "Thy Womb."

Tulad ng ibang obra, pambato sa international film festivals ang pelikula kung saan bida sina Superstar Nora Aunor at Bembol Roco. Tampok dito ang kagandahan ng isla ng Tawi-Tawi.

“Dapat lang ipagmalaki dahil kakaiba ‘yung lugar. Lahat tayo ‘pag makita natin ‘yung lugar na ‘to, we will all be proud,” ani Mendoza.

Kahit naman nasunog ang balat sa init, sulit daw ang pagod ni Ate Guy na gaganap na Badjao midwife.

“Unang-una naging negro ako, magsagwan alam ko na, magpaanak,” sabi ni Ate Guy. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino
 

05/01/2012 11:33 PM