Ciara gustong pagbatiin sina Helen at Sharon


Binasag ni Ciara Sotto ang pananahimik sa matagal nang isyu sa pagitan ng kanyang inang si Helen Gamboa at pinsan na si Sharon Cuneta.

Nag-ugat ito sa away pulitika nang ‘di suportahan ni Senator Tito Sotto si Senator Francis Pangilinan sa posisyon ng Senate presidency.

“Siguro kailangan lang talaga na puntahan niya si mommy, siyempre mas matanda si mama at tita niya ‘yun,” ani Ciara.

Abala man sa shooting ng “Walang Hanggan,” bitbit pa raw ng batikang aktres ang hinahakit dahil sa away.

“Pagdating kay ate, siyempre masakit kasi parang anak niya ‘yun eh,” dagdag pa ni Ciara.

Una nang sinabi ni Megastar na nasaktan siya sa awayan nila ng tiyahin at gusto niya na ring matapos ang gulo. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino

05/01/2012 11:24 PM