Grace, iginiit na 'di importante ang yaman ni Iggy


Sa kanyang pagharap sa ABS-CBN News, nakakatawa na si Grace Ibuna matapos ng libing ni Congressman Iggy Arroyo.

“Nagluluksa pa din ako, but I think this is what Iggy loves about me, I’m a happy person, I’m bubbly,” sabi ni Grace.

Pero ‘di pa rin niya mapigilang mapaluha sa tuwing naalala ang huling mensaheng ibinulong niya kay Iggy.

“I said, ‘Thank you for all the love that you have given me and sorry kung kulang pa ang binigay ko,’” sabi ni Grace.

Inihahanda na rin ni Grace ang sarili sa kontrobersiya tungkol sa pamana ni Iggy na batay sa kanyang last will ay dapat pangasiwaan ng anak niyang si Dina at ni Grace.

Sinagot din ni Grace ang isyu kung papayag siyang mapunta ang yaman sa asawa ni Iggy na si Aleli Arroyo o kaya'y hatiin ito sa kanila.

“Pinatanong ko doon sa abogado ko, sabi ko, ‘Sabihin mo na lang sa kanya kung pera lang gusto niya, sa kanya na. Pauwiin mo na lang kami ni Iggy nang mailibing siya nang tahimik.' Pera lang ‘yun eh, kinikita ang pera. What are truly essential are the things money can’t buy,” sabi niya.

Wala rin daw siyang nalalaman sa “Jose Pidal” account at kung magkano ang iniwan ni Iggy.

“I don’t know, that was not my time when that happened. We were not together so I can’t say anything about it,” sabi ni Grace.

Bukod sa mga anak niyang sina Jolo at Rafaella, prayoridad ni Grace ang pagtaguyod sa singing career ng anak niya kay Gabby Concepcion na si Garie.

“Thank you, Gabby. She is a beautiful child in and out,” sabi ni Grace. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino

03/13/2012 9:25 PM