EXCL: 'Roxas, mukhang hindi tatakbo sa 2013'


Malamang ay hindi na tumuloy si Presidential Adviser Neric Acosta na natalo rin noong 2010 elections.

Hindi naman sigurado si Customs Commissioner Ruffy Biazon kung siya o ang ama niyang si dating senador at ngayo'y Muntinlupa Congressman Rodolfo Biazon ang tatakbo.

“Kailangan talagang upuan naming dalawa. That's a family decision naman. Initially naman ang sinasabi niya kung saan daw ako pupunta, he will base his decision on that,” sabi ni Commissioner Biazon.

Si dating Congresswoman Risa Hontiveros ng Akbayan, kinumpirmang tatakbo rin sa 2013 matapos malamang pasok siya sa LP lineup.

Nagpahiwatig naman si Abad na hindi tatakbo sa 2013 si Transportation and Communications Secretary Mar Roxas na siyang presidente ng Liberal Party.

Tingin ni Abad, mas gusto ni Pangulong Aquino na makatuwang sa ehekutibo ang dating senador at running-mate.

“I think he really would be reluctant to give up Secretary Roxas even if he's very winnable, he could very well lead the slate,” sabi ni Abad.

Pero kung tumakbo si Roxas, malamang mabasura ang election protest niya laban kay Vice President Jejomar Binay batay sa mga nakaraang desisyon ng Korte Suprema.

Sa text message naman na ipinadala sa ABS-CBN News, sinabi ni Roxas na hinihintay niya ang pasya ni Pangulong Aquino at ng LP kung tatakbo siyang senador. Lynda Jumilla, Patrol ng Pilipino

05/02/2012 9:49 PM