Mga bata naligo sa yelo dahil sa init


Ngayong araw naitala ng PAGASA ang pinakamataas na temperatura sa Metro Manila ngayong taon na umabot sa 36.4 degrees Celsius. At dahil sa sobrang init ng panahon, kanya-kanyang diskarte ang mga kababayan natin para maibsan ang matinding alinsangan. Nagbigay din ng tips ang mga eksperto para maiwasan ang heat stroke. Nagpa-Patrol, Sol Aragones. TV Patrol, Abril 27, 2012, Biyernes

04/27/2012 10:37 PM