Pacquiao at Bradley, dinumog ng fans sa press con nila sa New York

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Pinagkaguluhan sina People's Champ Manny Pacquiao at ang kanyang bagong challenger na si Timothy Bradley nang humarap ang dalawa sa mga press at fans sa New York para i-promote ang kanilang darating na bakbakan sa Hunyo.

Maghaharap ang dalawa sa MGM Grand, Las Vegas para idepensa ni Pacman ang kanyang WBO welterweight belt sa ikaapat na pagkakataon.

Susubukan naman ng undefeated WBO light welterweight champion na si Timothy Bradley na sungkitin ang WBO welterweight belt na ito.

“I'm sure it's going to be good fight because of Tim Bradley’s style -- he loves to fight toe-to-toe, he keeps coming inside,” sabi ni Manny.

Habang excited magpa-autograph at magpakuha ng litrato ang mga fans, diskumpiyado naman ang ilan sa labang ito.

“Bradley, he's a champion but his record is not impressive, he's nobody,” sabi ni Botyok.

“I am looking forward to this fight, but this isn't one of my top three most anticipated fights because I am really looking forward to Mayweather-Cotto,” sabi naman ni Brian Jensen Harlem.

Nangako naman ang challenger na si Bradley na hindi niya uurungan si Pacman.

“I'm not here for paycheck, I'm here for war,” pagdedeklara ni Bradley. “Me and Manny Pacquiao, we're going to have a war on June 9th.”

Samantala, hindi naman natuloy ang pinakahihintay na pagtatagpo nina Manny Pacquiao at ng sumisikat na basketball star ng New York Knicks na si Jeremy Lin.

“Nakatulog ako, nakatulog ako eh, wala kasi kaming tulog madaling araw na kaming dumating dito sa New York,” paliwanag ni Manny.

Umaasa si Pacquiao na magkaroon pa ng ibang pagkakataong magkatagpo sila ni Jeremy Lin. Don Tagala, Patrol ng Pilipino, New York

02/24/2012 10:56 PM Para sa karagdagang ulat, pumunta sa ABS-CBN Sports