Rusong sparmate ni Pacquiao, dumating na sa Baguio


Healing service ang naganap kagabi sa Coyeesan Hotel main hall sa Baguio sa gabihang Bible study doon sa pangunguna ni boxing champ Manny Pacquiao.

Nagpa-pray over kay Pacman ang isang may sakit na cancer.

Taimtim na ipinagdasal ni Manny ang paggaling ng matanda.

Ipinagdasal din ng grupo ang kapatid ni Manny na si Bobby sa kanyang kaarawan.

Marami pa ring bisita si Manny sa kanyang suite habang hinintay ang pagdating ng asawang si Jinkee mula Maynila.

Mga hatinggabi na nang dumating ang grupo nina Jinkee kasama ang mga kapatid, magulang at isang pastor.

Extra sweet sa isa't-isa ang mag-asawa.

Tinour din ni Jinkee ang bagong renovated suite ni Manny.

Dahil late na nakatulog, kinansela muna ni Manny ang jogging kaninang umaga.

Pero sa gym kaninang hapon, humataw uli siya sa ensayo.

Dumating na rin ang sparring partner ni Pacman mula Russia na si Ruslan Provodnikov.

Sa Sabado ang unang sparring session.

“It’s great luck to be here and I’m very happy,” sabi ni Provodnikov.

Lalong inspired si Manny sa practice dahil nanonood ang misis. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino

04/25/2012 12:58 AM